Possession of illegal firearms
By:Mikko Olalia
Possession of firearms isang napaka-bigat na responsibilidad sa lahat ng mga mamamayan kahit sino pa ito, pangulo man ito, awtoridad, o kahit na sino pa mang pribadong indibidwal. Tinawag itong malaking responsibilidad kasi hindi sa lahat ng oras ay maganda ito, minsan nga ay mas mapanganib pa ito. Ang pag kakarooon ng mga armamento ay nag lalayong mag palaganap ng seguridad, kapayapaan, at panatiliin ang tinatawag nating “sovereignity”. Ang pag kakaroon ng ano mang uri ng baril, bomba o kahit na ano pa mang armamento ay hindi bawal sa batas, pero may mga exception ito gaya ng body guards, ka-pulisan, sundalo, pwede rin ang pribadong indibidwal basta naka-rehistro ito at regular ang pag rerenew ng may-ari.
Ang pagkakaroon ng mga nasabing kagamitan ay nauuri sa tatlo. Ang una ay ang simple possession ito ay karaniwan para sa serbisyong pang militar, pang kapulisan o para sa ikapapayapa ng isang bansa o lugar, pangalawa carry of a concealed weapon, ito ang pag dadala ng patago, halimbawa may baril o bomba ka sa iyong sasakyan, ito ay para sa seguridad pero kadalasan ay para manggulo o para makapanira ng buhay, ang huli ay carry in plain sight may pag kakahawig ito sa nauna sa paraang para mapanatili ang kapayapaan sa paligid.
Responsibilidad ang kakambal ng pagkakaroon ng mga ganton uri ng
kagamitan, dahil ano mang oras maaaring buhay ang kapalit ng pag-abuso at maling paggamit ng mga gantong uri ng kagamitan. Paano kung ilegal ang pag kakaroon mo ng kahit na anung kalibre ng baril o bomba? Ayon sa R.A. 8294 maaari kang pag-multahin ng tatlumpung libong piso at makulong hanggang sa anim n buwan. Ang pagmamay-ari ay may limitasyon mahigpit na ipinagbabawal ang pag kakaroon sa kustodiya ng isang indibidwal ang mag-karoon ng mataas na kalibre ng baril.
7 sa Pinakamatinding Krimen sa Pilipinas
Martes, Oktubre 22, 2013
Illegal Recruitment
By:Eljay Campita
Sa hirap nga naman ng buhay sa panahon ngayon maraming Pilipino ang gustong makipagsapalaraan sa ibang bansa, ngunit kadalasan ang akala nilang taong tutulong sa kanila ay isa palang illegal recruiter. Masakit mang isipin ngunit ito ang katotohanang kailangan nilang tanggapin. Sila’y naloko at naisahan. Illegal Recruiters sasabihin nila lahat ng mabubulaklak na salita, ipapangako lahat ng pwedeng ipangako ilan na rito ang magandang buhay at trabaho. Ikaw namang may hanggad na magandang buhay ay kakagat sa kanilang pain na paulit-ulit ginagamit. Sa simula’y hihingan ka ng maliit na halaga at habang tumatagal ay umaabot sa daang libo. Lahat ginawa mo mabuno lang ito, lahat ng pwedeng ibenta o isanla ay ibenenta at sinanla muna. Pero sa bandang huli malalaman mo na lang na naloko ka na.
Ang Batas Republika Bilang 1002, o kilala rin sa tawag na An Act Amending Republic Act No. 8042(Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 nakapaloob sa batas na ito na ang sinumang mahuli na sangkot sa illegal recruitment ay maaaring makulong ng 20 o higit pang mga taon, at maaring magmulta ng hanggang 2million pesos. Bukod sa illegal recruitment ay maari rin silang kasuhan ng Swindling o estafa. Mas mabigat ang ipapataw na parusa sa mga illegal recruiters kung ginawa ito ng isang sindikato. Nilalayon nito na mabawasan ang mga taong nabibiktima at maari pang mabiktima ng mga Illegal Recruiters.
Bakit nga ba may ganitong tao? Mapanlamang sa kapwa walang takot sa batas. Hindi rin matapos-tapos ang usapin na ito dahil para itong kabute na naglilitawan at nanganganak kay bilis dumami. Kasabay ng kanilang pagdami ay ang pagdami rin ng kanilang nabibiktima mga Pilipinong nangangarap ng mataas na kanilang ibinabagsak.Tulad sila ng mga matsing ‘Tuso’.

Droga
By: John Michael Rosales
Shabu, rugby, ecstasy, cannabis sativa o mas kilala bilang marijuana ay iilan lamang sa mga drogang nakakaadik kapag iyong inabuso. Maraming tao ngayon lalo ang mga kabataan ang nahuhumaling gumamit ng droga sa mali at ilegal na pamamaraan. Mabuti na lang at mayroong Republic Act 9165 na naglalayong ipagbawal ang pag-gamit at pag-bebenta ng mga ilegal na droga dito sa Pilipinas. Talamak ang bentahan ng droga sa Pilipinas dahil na rin mismong mga pulitiko at awtoridad ay tumatangkilik nito. Magugulat ka na lang sila pa ang promotor o Drug Lord. Paano nga ba ito masusugpo kung ang mismong mga kamay at lumilikha ng mga batas ang gumagamit nito. Parang malaking kalokohan nga naman itong matatawag.
Bakit nga ba kabataan ang isa sa mga pangunahing consumer ng mga ilegal na droga? Dahil lingid sa ating kaalaman, ang mga kabataan ay mahilig mag-explore at tumuklas ng iba’t-ibang mga bagay. At ang lalo pang nag-titrigger sa kanilang gumamit nito ay ang pagkakaroon ng mabibigat na problema. Gaya ng problema sa pera, pag-ibig, at pamilya. Pinipilit nilang kumawala sa mga problemang ito kaya napipilitan silang gumamit ng droga.
Alam kong hindi ganoon kadali maalis ang pagkaadik sa isang bagay lalo na kung ang bagay na ito ang nagbibigay sa iyo ng kaligayahan at satisfaction sa buhay. Marami na ang nabiktima ng droga dahil sa pag-abuso dito, susunod ka pa ba? ‘Wag mong sabihin na droga lang makalulutas sa mga problema mo, na droga lang ang makakapag-bigay kontento sa buhay mo. Kalian man hindi naging pangmatagalan ang kasiyahang dulot ng droga. Hihilahin ka pa nito sa iyong kamatayan. Drogang may magandang dulot ngunit sa maling paggamit nito hindi lang katawan mo ang iyong sinisira kasama na rin pati ang iyong buhay.

Kidnap for Ransoms
By: Noriell D.C. Galvez
Isa ito sa talamak o karaniwan nang krimen sa Pilipinas. Kaya nga’t ilan sa mga dayuhan ay ilag sa pagbisita sa ating bansa. Mapa-Luzon man, Visayas at lalo na sa parteng Mindanao(Sulu, Zamboanga at Basilan) dahil sa ito’y pinaniniwalaang pugad ng mga teroristang grupo(Abu Sayyaf) na walang pinipili sa pangingidnap puti, dilaw o kayumanggi ka man. Masakit mang isipin na ang ating bansa ay nabansagan na kidnap hotspot. Ngunit masisisi ba natin sila? Di ba nga’t pati mga misyonaryo ay dinurukot nila at kapag hindi naibigay ang kanilang kagustuhan at perang hinihingi ay walang anu-ano ay pinapatay nila ang kanilang bihag sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo, mga halang ang kaluluwa at nasisikmura nila ang ganitong gawain. Sino ba namang hindi kikilabutan sa mga ganitong pangyayari na halos hindi nawawala sa sirkulasyon ng mga kahindik-hindik na balita sa ating bansa?
Ang Batas Republika Blg.18 at 1084 ay ginawa upang masugpo ang krimeng kidnapping. Kapag natuklasan na ang ginawang pangingidnap ay may kaukulang ransom ay haharap sila sa isang mabigat na parusang kamatayan ngunit panahon lamang ito ng 1946. Ngunit kung susuriin bakit nga ba ito hindi masugpo-sugpo kahit may batas na ukol dito. Paano nga ba sila susugod sa labang alam nilang walang panama ang kanilang mga armas at higit sa lahat may buhay na nakasaalang-alang sa bawat desisyong kanilang gagawin? Nakapagtatakang isipin na mas dekalidad ang mga gamit ng mga teroristang grupo kaysa sa mga awtoridad at pulisya. Totoo nga bang may malalaki at matataas na grupo ng tao ang sumusuporta sa kanila? Kailan nga ba gagawa ng solusyon ang pamahalaan? Hinihintay pa ba nila ang panahon na humaba ang listahan ng mga nakidnap at mapatay ng mga nasabing teroristang grupo.
Ano nga ba ang tunay na saloobin o dahilan ng mga taong gumagawa ng naturang krimen? Pera nga lang ba o teritoryong nais nilang solohin? Mahirap sagutin ang naturang tanong lalo na’t wala naman tayo sa kanilang kalagayan. Pero sa aking pananaw ginagawa nila ito dahil sa hirap ng buhay kawalan ng opurtunidad sa kanilang lugar kaya’t pangingidnap ang solusyon na kanilang naiisip upang mabuhay. Masasabi pa rin nating “It’s more Fun in the Philippines” pero kaakibat ng naturang kataga kailangan nating aminin na may madilim na kwento ang ilan sa mga dayuhang tumutungo sa ating bansa sa halip na ang tumatak sa kanilang mga isipan ay “It’s more fun in the Philippines” ay napapalitan ng mga katagang “It’s more Terrorist in the Phillipines”.

Lunes, Oktubre 21, 2013
Pangungurakot
By: Ricalyn Zabala
Ang pangungurakot ay isang isyu na siyang usap-usapan sa bansa ngayon. Ito ay ang pagnanakaw ng maliit o malaking yaman ng bayan. Ang batas ng Pilipinas ay tahasan itong ipinagbabawal. Nakasaad sa Republic Act 9160 o “Anti-Money Laudering Act of 2001” ang mga paraan kung papaano nila nakukuha ang mga kaban ng bayan, ilan dito ang pagpapasugal, pandodoktor ng mga dokumento, paglilimita ng pondo para sa isang proyekto, pagpapasok ng smuggled goods at tax evasion. Nasa section 14 ng batas na ito ang maaaring maging parusa ng mga pang-ahas na ito. Maaari silang makulong ng pito hanggang 14 na taon at magmulta ng 100, 000 hanggang 3, 000, 000 PHP depende sa halaga ng kanilang ninakaw. May nga parusa ngunit tila hindi sapat sapagkat laganap parin ang pagsasagawa nito.
Mga pulitiko na maraming ipinangangako ang siyang puno at dulo nito. Maaaring sila ay natukso sa pera na kanilang hinahawakan ngunit ito ay handi sapat na dahilan! Nakikinabang sila, oo, ngunit paano na lamang ang nakararami? Ang mga mamamayan na siyang naghihirap para umunlad ang bayan ang ninakawan nila ng pag-asang umangat sa lipunan. Tama lamang ang “Social Pyramid” upang ilarawan ang katayuan ng mga tao sa ating bansa. Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap. At ang nakapanlulumo ay ginawa ito ng mga taong ating lubos na pinagkakatiwalaan. Sila na dapat ay isinasaalang-alang ang kabutihan ng nakararami ay sarili lamang ang iniisip.
Marami na ang nagrereklamo at naaalerto sa pangyayaring ito. Ipinahahayag nila ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagrarally o sa pamamagitan ng media. Ang aking dasal, sana ay dinggin ang kanilang mga munting hiling para sa bayan. Sa mga pulitikong nagsasagaw nito, bahala na ang batas sa inyo. Sa mga natutuksong gawin ito ay magdalawang isip nawa kayo para sa sarili niyo, mga pamilya niyo at higit sa lahat para sa bansa.

Linggo, Oktubre 20, 2013
Panggagahasa o Rape
By:Anthony Theodoro
Ang panggagahasa o Rape, ayon sa Batas ng Pilipinas ay itinuturing na isa sa pinakamatinding krimen dito sa ating bansa dahil kung mapapansin natin kapag tayo ay nanonood ng balita sa telebisyon ay maraming balita tungkol sa ganitong uri ng pang-aabuso. Sa lipunan ng mga Pilipino , ito ay isang kasuklam-suklam na krimeng mapaparusahan ang sinumang gagawa nito ng habang buhay na pagkakabilanggo. Kaya ang pagiging biktima ng panggagahasa ay isang malaking kahihiyan para sa mga kababaihan.
Ang panggagahasa ay palaging kaugnay sa mga panganib ng sexually transmitted diseases , lalo na ang Human Immunodeficiency Virus (HIV).Noong taong 2012, ang ilan sa mga biktima ng rape ay mga menor de edad. Isa mga biktima ay ang 5 taong gulang na si Dimples Dumael kung saan ang kanyang bangkay ay natagpuan na nakasilid sa isang sako sa Quezon City. Ayon sa tala ng Philippine National Police ( PNP) patuloy na tumataas ang kaso ng rape dito sa ating bansa kaya may isang batas na ipinatupad para dito at ito ay ang Anti- Rape Law of 1997.
Ang Anti- Rape Law of 1997 ay isang batas na naglalayong labanan ang paglala ng ganitong uri ng krimen sa ating bansa.
Ang mga grupo ng kababaihan tulad ng GABRIELA ang nagbibigay ng payo sa mga kababaihan na naging biktima ng panggagahasa at iba pang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan. Ang Bathaluman Crisis Centre Foundation ang tumutulong sa mga biktima ng panggagahasa at incest. Samantalang, ang Women’s Crisis Centre naman ang nagbibigay ng pansamantalang tirahan at tulong medikal sa mga biktima.

Abortion
By: Shaira Anjelica S. Dimagiba
Nakasaad sa Article 256, 257 and 258 of the Revised Penal Code ang Abortion Law. Bago ang lahat, ano nga ba aborsyon? Nakatutulong ba ito sa ikauunlad ng ating bansa? Bilang isang mamamayan, nakakakuha ka ba ng kaligayahan kapag nakakarinig ka ng balita ukol dito? Mayroon bang kakaibang saya kapag ginawa mo ito?
Sa aking pananaw, ang aborsyon ay isang krimen na kung saan ay pinapatay ng isang babae ang batang na sa kanyang sinapupunan pa lamang. Napakawalang hiyang gawain! Isipin mo, ginawa-gawa mo yan tapos hindi mo pananagutan? Nang dahil sa kakatihan ay hindi mo naisip ang maaaring maging sanhi ng gagawin mo. Sana bago ka nagpakasarap ay inisip mo muna ang responsibilidad na dapat mong harapin kapag nagbunga yan. Binibigyang diin na resulta man yan ng kagustuhan mo o hindi ay marapat na bigyan mo siya ng oportunidad upang mabuhay. Ayos lang sana kung kaya mong panindigan, ngunit ang karamihan ay hindi. Fetus pa man yan o kakabuo pa lang, tao na rin yan! Hindi yan solusyon upang maibsan ang dami ng populasyon sa bansa dahil kung talagang may malasakit ka, una pa lamang ay hindi mo na gagawin yan. Gets mo ba? Hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.
Ito ay labag sa batas ng Pilipinas. Lalong lalo na sa batas ng Panginoon. Sino ka ba sa tingin mo para alisan ng karapatan ang tao para mabuhay?! Isang hamak na tao ka rin. Kahit ang mga gumagawa ng mga batas ay walang karapatan upang gawin yan. Walang anumang gamot ang makakapag-alis ng konsensya na babagabag sa isipan mo kung yan ay gagawin mo. Wari ka na ring pumatay ng kapamilya mo. Isipin mo na sarili mo yang dugo at laman. Ang katawan at buhay ng tao ay templo ng Diyos. Huwag mong isipin ang negatibong maidudulot nito sa bata o sayo bagkus ay tingnan ang positibong dulot nito. Malay mo, siya ang maging dahilan ng pagbabago sa buhay mo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)