Martes, Oktubre 22, 2013

Illegal Recruitment
By:Eljay Campita

 

   Sa hirap nga naman ng buhay sa panahon ngayon maraming Pilipino ang gustong makipagsapalaraan sa ibang bansa, ngunit kadalasan ang akala nilang taong tutulong sa kanila ay isa palang illegal recruiter. Masakit mang isipin ngunit ito ang katotohanang kailangan nilang tanggapin. Sila’y naloko at naisahan. Illegal Recruiters sasabihin nila lahat ng mabubulaklak na salita, ipapangako lahat ng pwedeng ipangako ilan na rito ang magandang buhay at trabaho. Ikaw namang may hanggad na magandang buhay ay kakagat sa kanilang pain na paulit-ulit ginagamit. Sa simula’y hihingan ka ng maliit na halaga at habang tumatagal ay umaabot sa daang libo. Lahat ginawa mo mabuno lang ito, lahat ng pwedeng ibenta o isanla ay ibenenta at sinanla muna. Pero sa bandang huli malalaman mo na lang na naloko ka na.
    Ang  Batas Republika Bilang 1002,  o kilala rin sa tawag na An Act Amending Republic Act No. 8042(Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 nakapaloob sa batas na ito na ang sinumang mahuli na sangkot sa illegal recruitment ay maaaring makulong ng 20 o higit pang mga taon, at maaring magmulta ng hanggang 2million pesos. Bukod sa illegal recruitment ay maari rin silang kasuhan ng Swindling o estafa. Mas mabigat ang ipapataw na parusa sa mga illegal recruiters kung ginawa ito ng isang sindikato. Nilalayon nito na mabawasan ang mga taong nabibiktima at maari pang mabiktima ng mga Illegal Recruiters.
     Bakit nga ba may ganitong tao? Mapanlamang sa kapwa walang takot sa batas. Hindi rin matapos-tapos ang usapin na ito dahil para itong kabute na naglilitawan at nanganganak kay bilis dumami. Kasabay ng kanilang pagdami ay ang pagdami rin ng kanilang nabibiktima mga Pilipinong nangangarap ng mataas na kanilang ibinabagsak.Tulad sila ng mga matsing ‘Tuso’. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento