Linggo, Oktubre 20, 2013

Abortion
By: Shaira Anjelica S. Dimagiba


   
    Nakasaad sa Article 256, 257 and 258 of the Revised Penal Code ang Abortion Law. Bago ang lahat, ano nga ba aborsyon? Nakatutulong ba ito sa ikauunlad ng ating bansa? Bilang isang mamamayan, nakakakuha ka ba ng kaligayahan kapag nakakarinig ka ng balita ukol dito? Mayroon bang kakaibang saya kapag ginawa mo ito? 
   Sa aking pananaw, ang aborsyon ay isang krimen na kung saan ay pinapatay ng isang babae ang batang na sa kanyang sinapupunan pa lamang. Napakawalang hiyang gawain! Isipin mo, ginawa-gawa mo yan tapos hindi mo pananagutan? Nang dahil sa kakatihan ay hindi mo naisip ang maaaring maging sanhi ng gagawin mo. Sana bago ka nagpakasarap ay inisip mo muna ang responsibilidad na dapat mong harapin kapag nagbunga yan. Binibigyang diin na resulta man yan ng kagustuhan mo o hindi ay marapat na bigyan mo siya ng oportunidad upang mabuhay. Ayos lang sana kung kaya mong panindigan, ngunit ang karamihan ay hindi. Fetus pa man yan o kakabuo pa lang, tao na rin yan! Hindi yan solusyon upang maibsan ang dami ng populasyon sa bansa dahil kung talagang may malasakit ka, una pa lamang ay hindi mo na gagawin yan. Gets mo ba? Hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.
   Ito ay labag sa batas ng Pilipinas. Lalong lalo na sa batas ng Panginoon. Sino ka ba sa tingin mo para alisan ng karapatan ang  tao para mabuhay?! Isang hamak na tao ka rin. Kahit ang mga gumagawa ng mga batas ay walang karapatan upang gawin yan. Walang anumang gamot ang makakapag-alis ng konsensya na babagabag sa isipan mo kung yan ay gagawin mo. Wari ka na ring pumatay ng kapamilya mo. Isipin mo na sarili mo yang dugo at laman. Ang katawan at buhay ng tao ay templo ng Diyos. Huwag mong isipin ang negatibong maidudulot nito sa bata o sayo bagkus ay tingnan ang positibong dulot nito. Malay mo, siya ang maging dahilan ng pagbabago sa buhay mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento