Lunes, Oktubre 21, 2013

Pangungurakot
  By: Ricalyn Zabala



   Ang pangungurakot ay isang isyu na siyang usap-usapan sa bansa ngayon. Ito ay ang pagnanakaw ng maliit o malaking yaman ng bayan. Ang batas ng Pilipinas ay tahasan itong ipinagbabawal. Nakasaad sa Republic Act 9160 o “Anti-Money Laudering Act of 2001” ang mga paraan kung papaano nila nakukuha ang mga kaban ng bayan, ilan dito ang pagpapasugal, pandodoktor ng mga dokumento, paglilimita ng pondo para sa isang proyekto, pagpapasok ng smuggled goods at tax evasion.  Nasa section 14 ng batas na ito ang maaaring maging parusa ng mga pang-ahas na ito. Maaari silang makulong ng  pito hanggang 14 na taon at magmulta ng 100, 000 hanggang 3, 000, 000 PHP depende sa halaga ng kanilang ninakaw. May nga parusa ngunit tila hindi sapat sapagkat laganap parin ang pagsasagawa nito.
   Mga pulitiko na maraming ipinangangako ang siyang puno at dulo nito. Maaaring sila ay natukso sa pera na kanilang hinahawakan ngunit ito ay handi sapat na dahilan! Nakikinabang sila, oo, ngunit paano na lamang ang nakararami? Ang mga mamamayan na siyang naghihirap para umunlad ang bayan ang ninakawan nila ng pag-asang umangat sa lipunan. Tama lamang ang “Social Pyramid” upang ilarawan ang katayuan ng mga tao sa ating bansa. Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap. At ang nakapanlulumo ay ginawa ito ng mga taong ating lubos na pinagkakatiwalaan. Sila na dapat ay isinasaalang-alang ang kabutihan ng nakararami ay sarili lamang ang iniisip.
   Marami na ang nagrereklamo at naaalerto sa pangyayaring ito. Ipinahahayag nila ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagrarally o sa pamamagitan ng media. Ang aking dasal, sana ay dinggin ang kanilang mga munting hiling para sa bayan. Sa mga pulitikong nagsasagaw nito, bahala na ang batas sa inyo. Sa mga natutuksong gawin ito ay magdalawang isip nawa kayo para sa sarili niyo, mga pamilya niyo at higit sa lahat para sa bansa.

1 komento:

  1. Mahusay yan si Ricalyn Zabala, Magna cum laude ng Bulacan State University! Alam kong magiging isang ganap at magaling kang lawyer. Marami kaming umaasa sa husay mo. Mabuhay ka!

    TumugonBurahin