Martes, Oktubre 22, 2013

Droga
By: John Michael Rosales
 



    Shabu, rugby, ecstasy, cannabis sativa o mas kilala bilang marijuana ay iilan lamang sa mga drogang nakakaadik kapag iyong inabuso.  Maraming tao ngayon lalo ang mga kabataan ang nahuhumaling gumamit ng droga sa mali at ilegal na pamamaraan. Mabuti na lang at mayroong Republic Act 9165 na naglalayong ipagbawal ang pag-gamit at pag-bebenta ng mga ilegal na droga dito sa Pilipinas. Talamak ang bentahan ng droga sa Pilipinas dahil na rin mismong mga pulitiko at awtoridad ay tumatangkilik nito. Magugulat ka na lang sila pa ang promotor o Drug Lord. Paano nga ba ito masusugpo kung ang mismong mga kamay at lumilikha ng mga batas ang gumagamit nito. Parang malaking kalokohan nga naman itong matatawag.
    Bakit nga ba kabataan ang isa sa mga pangunahing consumer ng mga ilegal na droga?  Dahil lingid sa ating kaalaman, ang mga kabataan ay mahilig mag-explore at tumuklas ng iba’t-ibang mga bagay.  At ang lalo pang nag-titrigger sa kanilang gumamit nito ay ang pagkakaroon ng mabibigat na problema.  Gaya ng problema sa pera, pag-ibig, at pamilya.  Pinipilit nilang kumawala sa mga problemang ito kaya napipilitan silang gumamit ng droga.
    Alam kong hindi ganoon kadali maalis ang pagkaadik sa isang bagay lalo na kung ang bagay na ito ang nagbibigay sa iyo ng kaligayahan at satisfaction sa buhay.  Marami na ang nabiktima ng droga dahil sa pag-abuso dito, susunod ka pa ba?  ‘Wag mong sabihin na droga lang makalulutas sa mga problema mo, na droga lang ang makakapag-bigay kontento sa buhay mo.  Kalian man hindi naging pangmatagalan ang kasiyahang dulot ng droga.  Hihilahin ka pa nito sa iyong kamatayan. Drogang may magandang dulot ngunit sa maling paggamit nito hindi lang katawan mo ang iyong sinisira kasama na rin pati ang iyong buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento