Possession of illegal firearms
By:Mikko Olalia
Possession of firearms isang napaka-bigat na responsibilidad sa lahat ng mga mamamayan kahit sino pa ito, pangulo man ito, awtoridad, o kahit na sino pa mang pribadong indibidwal. Tinawag itong malaking responsibilidad kasi hindi sa lahat ng oras ay maganda ito, minsan nga ay mas mapanganib pa ito. Ang pag kakarooon ng mga armamento ay nag lalayong mag palaganap ng seguridad, kapayapaan, at panatiliin ang tinatawag nating “sovereignity”. Ang pag kakaroon ng ano mang uri ng baril, bomba o kahit na ano pa mang armamento ay hindi bawal sa batas, pero may mga exception ito gaya ng body guards, ka-pulisan, sundalo, pwede rin ang pribadong indibidwal basta naka-rehistro ito at regular ang pag rerenew ng may-ari.
Ang pagkakaroon ng mga nasabing kagamitan ay nauuri sa tatlo. Ang una ay ang simple possession ito ay karaniwan para sa serbisyong pang militar, pang kapulisan o para sa ikapapayapa ng isang bansa o lugar, pangalawa carry of a concealed weapon, ito ang pag dadala ng patago, halimbawa may baril o bomba ka sa iyong sasakyan, ito ay para sa seguridad pero kadalasan ay para manggulo o para makapanira ng buhay, ang huli ay carry in plain sight may pag kakahawig ito sa nauna sa paraang para mapanatili ang kapayapaan sa paligid.
Responsibilidad ang kakambal ng pagkakaroon ng mga ganton uri ng
kagamitan, dahil ano mang oras maaaring buhay ang kapalit ng pag-abuso at maling paggamit ng mga gantong uri ng kagamitan. Paano kung ilegal ang pag kakaroon mo ng kahit na anung kalibre ng baril o bomba? Ayon sa R.A. 8294 maaari kang pag-multahin ng tatlumpung libong piso at makulong hanggang sa anim n buwan. Ang pagmamay-ari ay may limitasyon mahigpit na ipinagbabawal ang pag kakaroon sa kustodiya ng isang indibidwal ang mag-karoon ng mataas na kalibre ng baril.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento