Linggo, Oktubre 20, 2013

Panggagahasa o Rape
By:Anthony Theodoro

  


   Ang panggagahasa o Rape, ayon sa Batas ng Pilipinas ay itinuturing na isa sa pinakamatinding krimen dito sa ating bansa dahil kung mapapansin natin kapag tayo ay nanonood ng balita sa telebisyon ay maraming balita tungkol sa ganitong uri ng pang-aabuso. Sa lipunan ng mga Pilipino , ito ay isang kasuklam-suklam na krimeng mapaparusahan ang sinumang gagawa nito ng habang buhay na pagkakabilanggo. Kaya ang pagiging biktima ng panggagahasa ay isang malaking kahihiyan para sa mga kababaihan.
   Ang panggagahasa ay palaging kaugnay sa mga panganib ng sexually transmitted diseases , lalo na ang Human Immunodeficiency Virus (HIV).Noong taong 2012, ang ilan sa mga  biktima ng rape ay mga menor de edad. Isa mga biktima ay ang 5 taong gulang na si Dimples Dumael kung saan ang kanyang bangkay ay natagpuan na  nakasilid sa isang sako sa Quezon City. Ayon sa tala ng Philippine National Police ( PNP) patuloy na tumataas ang kaso ng rape dito sa ating bansa kaya may isang batas na ipinatupad para dito at ito ay ang Anti- Rape Law of 1997.
Ang Anti- Rape Law of 1997 ay isang batas na naglalayong labanan ang paglala ng ganitong uri ng krimen sa ating bansa.
   Ang mga grupo ng kababaihan tulad ng GABRIELA ang nagbibigay  ng payo sa mga kababaihan na naging biktima ng panggagahasa at iba pang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan. Ang Bathaluman Crisis Centre Foundation ang tumutulong sa mga biktima ng panggagahasa at incest. Samantalang, ang Women’s Crisis Centre naman ang nagbibigay ng pansamantalang tirahan at tulong medikal sa mga biktima.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento